.

Russian Orthodox Mission Society of st. Serapion Kozheozersky

.
Русский
ru
Azərbaycan dili
az
Gjuha shqipe
sq
English
en
العربية
ar
հայերեն
hy
Afrikaans
af
Български език
bg
Cymraeg
cy
Magyar nyelv
hu
Việt ngữ
vi
Dansk
da
עִבְרִית
he
Bahasa Indonesia
id
Español
es
Íslenska
is
Gaeilge
ga
italiano
it
Қазақша
kk
Gĩgĩkũyũ
ki
中文
zh
한국어, 조선말
ko
Κurdî
ku
Кыргыз тили
ky
Latviešu
lv
Lietuvių kalba
lt
Македонски
mk
Bahasa Melayu
ms
Malti
mt
Монгол хэл
mn
Deutsch
de
Nederlands
nl
Norsk
no
język polski
pl
Português
pt
Limba română
ro
Cebuano
ceb
Српски
sr
slovenčina
sk
kiswahili
sw
tl
Тоҷикӣ
tg
ภาษาไทย
th
Тыва дыл
tyv
Türkçe
tr
اردو
ur
Ўзбекча
uz
فارسی
fa
suomi
fi
Français
fr
हिन्दी
hi
Český jazyk
cs
Svenska
sv
eesti keel
et
日本語
ja

Реквизиты для пожертвований:

41001409981867

Pyramid ng Paraiso ni Obispo NIKOLAI ng Zica

Isinalin sa Filipino ni Padre Felipe na may kaukulang pagbabasbas ng Kanyang Kabunyian Metropolitan HILARION, Arsobispo ng Silangang Amerika at New York, Pangunahing Obispo ng Simbahang Ortodox ng Russia sa ibayong dagat.

Panimula

* Noong unang panahon, ang mga hari ng Mizraim, ang mga pharaon, bumuo ng batong piramida. Ang iba ay 50, 100, at ang iba naman ay higit sa 100 metro ng taas. Ito ang doble ang taas sa Hagia Sofia, ang pinatanyag na simbahan sa Ortodox ng Silangan. Kung bakit nga ba ito binuo ng mga pharaon ay nananatiling misteryo sa lahat ng pagano sa Mizraim. Ngunit ang pinakanakikitang dahilan kaya ito binuo ay dahil sa kagustuhan ng mga pharaon na maging imortal. Kompetisyon at pagmamahal sa sarili ang nagtulak upang ituloy ang pagbuo ng piramida, pati narin ang kagustuhang maging imortal at magkaroon ng bantayog. Ang Mizraim “Book of the Dead” ay naglalaman ng paghuhukom ni Oziris at ang pagiging imortal ng tao sa iba't ibang paraan.

* Ang lumang aklat ng Mizraim patungkol sa pagiging imortal ng tao ay magkakaroon lamang ng katotohan kung ang pagnanais maging imortal gagawin sa maka-Kristiyanong kapamaraanan at iyon ay ang daan sa tunay na buhay na walang hangangan dahil sa pagsasabuhay ng pamumuhay ng ating Panginoong Hesukristo. Ang pagkakaiba ay ang Kristiyanong pananaw ukol dito ay walang pagkalito at pantasya sapagkat ang pagiging imortal at pagkakaroon ng buhay na walang hangan ay matatamo lamang sa pagsasabuhay ng buhay ng ating Panginoong Hesuskristo para sa pang-araw araw nating gawain. Ito ay konektado sa pagkabuhay ng ating Panginoon at ng Kanyang pagtatagumpay sa kasalanan at sa dulot nitong kamatayan sa pamamagitan ng Kanyang sariling pagpapakasakit at pagkamatay sa krus at muling pagkabuhay.

* Ang tunay na Kristiyanismo ang nagtulak sa mga tao upang buuin ang mga piramida; ang gumawa ng kapamaraanan kung paano maging imortal sa papamgitan ng pagsasabuhay ng buhay kabanalan bilang pagsasabuhay ng buhay ng ating Panginoong Hesukristo. Hindi lamang ang mga hari o magagaling na tao sa mundo, ngunit pati na ng mga naniniwala at mga sumusunod sa Kanya. Dahil lahat ng Kristiyano ay tinawag na hari ayon sa mga salita ng Apostol Juan: ginawa tayong kaharian at katulong ng Panginoon (Revelation 1, 6). Samakatuwid ay may karapatan ang bawat Kristiyano na magpagawa ng kanyang sariling piramida. Kailangan ay maging kasing rami ng piramida ang mga Kristiyano. Ang mga piramida ng Kristiyano ay higit na mas mataas sa piramida ng mga pharaon. Abot langit ang mga ito at tanaw ang hiwaga at ganda na nasa kalawakan. Hindi ito takot sa bomba, granada, o ano pa mang paninira ng kaaway. Ang anuman sa mundo ay kulang pa sa tunay na kahalagahan ng mga piramidang ito dahil ang piramidang ito ay hinubog ng pamumuhay ng buhay ng ating Panginoong Hesukristo na Siyang tanging nagtagumpay sa kasalanan at kamatayan.

* Itong mga ito ay hindi natitibag sa kabila ng gulo at kamatayan. Para sakanila, ang pagiging imortal ay hindi kaugnay ng kamatayan. Sila ay nakabase sa ispiritwal na pundasyon at para lamang sa espiritwal na kaharian. Ang Panginoong Hesu Kristo ay ipinaalam ang pangangailangan at plano para sa mga piramida. Ang mga taga-gawa ay mga nabinyagan at nabasbasan ng espiritu santo. Ang bawat piramida ay may siyam na pangunahing palapag at ang ikasampung palapag ay ang kaligayahan na kung saan gawa ng Diyos ang mga piramida. Ang mga ito ay puno ng ganda na kung saan hindi mawawalay ang tingin ng tao, kumpara sa mga piramida ng pharaon na gawa lamang sa ibabaw ng buhangin.

* Ang mga piramida ng kristiyano ay nakasandigan sa pundasyon na si Kristo. Ayon nga sa isang apostol ni Kristo ay hindi na tayo dayuhan o estranghero, ngunit tayo ay mamamayan na ni Kristo at miyembro na ng Kanyang Kaharian. Sa Kanya tayong lahat na ay iisa at babangon bilang isa banal na kaharian nya. Kung kaya't tayo ay inilikha ng Diyos upang Kanyang maging tirahan at ng Kanyang espiritu santo (Efeso 2,19-22)

ANG UNANG PALAPAG

* Sa may asul na sapa ng Genisaretian, ang banal na tagapaglikha ay ipinahiwatig ang Kanyang plano para sa bagong gusali. Hindi nya ito iginuhit o ipinaliwanag gamit ang panulat, ngunit Kanya lamang ibinulong sa kanyang mga disipulo ang maluwalhating mga salita. Ang unang mga salita ang nagpahiwatig sa kung papaano Niya sisimulan ang pagbuo ng gusali at ng unang palapag.

*Yun lamang ang kanyang sinabi nung ginagawa ang unang palapag na malawak at matatag at kayang panindigan ang buong palasyo. Ngunit kung talagang nais mo na buuin ang piramida ng palasyo ay saka mo mapagtatagumpayan ang kaligayahan sa Langit. Alam mong kapag mas malalim ang pundasyon, mas ligtas ang gusali. Ang kahirapan ng tao ay masyadong malalim kaya't wala ang nakaaabot dito, ngunit ipinagpala ang kung sino mang maabot ang lalim ng kahirapan dahil dito maliwanag na nakikita ang tunay na estado ng buhay. Iyong malalaman ang kahirapan kung hindi mo lang ipagmamataas ang iyong sarili, dahil kapag iyo itong ginawa, dapat mo itong malaman: 1) kahirapan sa kaalaman, 2) kahirapan sa kabaitan, at 3) kahirapan sa paggawa. Ang lubhang kahirapan, o ang kawalan ng kahit ano ay maaaring malaman ng tao kung mulat sya sa kanyang moral, mental, at kapangyarihang kumilos. May nais siyang malaman tungkol sa kanyang kapalaran, kung sino siya at saan siya galing, at sa kung ano ang dapat nyang gawin sa kanyang buhay. Ngunit kanya ring naiintindihan na kahit siya ay puno ng talino, katulad ng kanyang kamang-mangan, wala paring laman ang kanyang utak. Nais niyang iangat ang kanyang sarili at gawin ang lahat ng kanyang makakaya ngunit patuloy siyang nahuhulog sa kasalanan. Hindi siya matulungan ng ibang tao, tulad na lamang ng sabi ng isang dalubsaha sa mga tula at awit:

“kalubusan ang lahat nilang kaisipan sa akin ay wala kabuhulan
ang kanilang pagkauhaw ay lalaganap habang sila ay mabubuhay sa kadiliman
at ang kanilang maling gawain ay siya mismong sisira sa kanila”

* Kung kaya't ang tao ay umiiyak at nagmamakaawang humihingi ng tulong sa kanyang Tagapaglikha - ang Diyos. Ito ang tinatawag na kasalatan sa espiritu na kontra naman sa mataas na pagtingin sa espiritu. Ang maunawaan at maramdaman ang kawalan ay mas mahirap kaysa sa kasamaan, at ang mataas na pagtingin sa espiritu ay hindi lamang kaignorantehan ngunit kamangmangan. Ang pagkilala sa sarili ay ang pag-unawa na ang tao ay hindi sapat ang kakayahan at kapangyarihang hawakan ang kanyang buhay. Samakatuwid, ito na ang oras upang ang tao'y tumawag at humingi ng tulong sa Panginoon.

*Ang pagpapakumbaba na nanggagaling sa iyong kaalaman ng hindi sapat na kakayahan ay ang pundasyon ng lahat ng kagandahang pag-uugali, basehan sa espiritwal na buhay ng Kristiyano, at ang mismong pundasyon ng palasyo. Ayon kay John Kolov, "Pagpapakumbaba ang pintuan sa Diyos". Isang araw, isang masamang espiritu ang kumontra kay San Macario, "Kaya kong gawin ang lahat ng iyong kayang gawin, ngunit talo mo lang ako sa iyong pagpapakumbaba!" Sinasabi nga na ang pagpapakumbaba ay "walang lugar sa pagsabi ng masama sa iba, sa pagtingin sa kasamaan ng kapwa, at walang pandinig upang mapakinggan ang kasamaan ng iba".

* Ang sino mang makaunawa na siya ay walang magagawa ng walang tulong ang Panginoon ay mahusay na binubuo ang unang palapag ng paraiso. Sabi ng Panginoon, kung wala Ako ay wala kang kayang gawin.

* Sa isang buong araw, ang taong ito'y kayang unawain ay makatwiran at marunong mag-isip ng tama. Itong kaalaman na ito ay nagpapahiwatig ng kanyang pagiging karapat-dapat sa harap ng Diyos.

* Kung ang tao ay malaya mula sa kasamaan, mayroong kapayapaan ang kanyang kalooban at dito sakanya kumikilos ang Banal na Espiritu. Sa pagpasok ng Banal na Espiritu sa tao, dito nabubuo ang piramida ng paraiso na ayon sa kanyang kagustuhan, na may gabay sa tao. Marapat lamang na hindi natin hadlangan ang pagpasok ng espiritu sa ating pagkatao at dito'y mamuhay. Marapat lamang din na iwasan ang kahit anong kagustuhan at kahilingan na hindi galing sa Panginoon. Ayon kay Bernard Clairvaux, "Ang taong mas binibigyang pansin ang pansariling kagustuhan ay maaring malinlang ng kanyang sariling mata".

* Kung ikinahihiya mo ang iyong sarili, walang nagsabi sayong gawin mo ito, gayun din kung iyo itong minamaliit. Kung ikaw lamang ay matututong magpakumbaba, doon mo masisimulang kumpletuhin ang unang palapag ng iyong paraiso na mahahalintulad sa bakal: kasingtigas at kasing-itim nito.
 

ANG IKALAWANG PALAPAG

* Kapag ang Kristiyano'y nabuo na ang unang palapag, nanaisin nitong buuin na ang ikalawa. Hindi man gaanong nakaaaya ang ganda ng unang palapag, kasingtibay naman ni ng pundasyon nito ang bakal. Mas higit ang hindi nakikita, kaysa sa nakikita. Tulad na lamang ng pagpapakumbaba na hindi naman ikinikinang o ibinibida ang sarili. Ang unang palapag ay gawa mula sa pag-iisip at kakayahan ng taong sa tingn niya'y wala siyang maibibigay.

* Ang ikalawang palapag ay gawa sa luha. Pinagpala ang sino mang nalulungkot; sila ay marapat na mapagaan ang loob. Ang luha ay maaring puno ng lungkot, ngunit ito ay ating maunawaan na ebidensya sa kalungkutan ng tao. Sila ay kumikinang, na katulad nadin nitong ikalawang palapag na gawa sa kumikinang na bato.

* Ang masama ay walang luha, hindi nito kayang umiyak dahil sa katigasan ng puso nito. Ito ay isang kahinaan, dahil ang matang hindi lumuluha ay nagpapahiwatig ng tuyong puso. Ayon sa isang guro ng Ortodoks, mayroon dalawang pagbibinyag: isa sa tubig at isa sa luha. Ang iba naman ay nagsasabing umiyak ka ng umaga at gabi, ngunit wag ka makaramdam ng kalungkutan sa pag-iyak.

* Maari mong isipin na ang pag-iyak ay isang kahinaan, ngunit huwag! Ang ibang Kristiyano ay umiiyak madalas sa tuwing umaawit ng pagsamba sa Diyos.

* "Luha ang basbas sa mga mata", ayon kay Anthony the Great. Ang pinakamakasalanan na mga babae: Maria ng Ehipto, Taisa, at si Pelagia ay hinugasan ang kanilang kaluluwa ng kanilang luha at nabasbasan. Ito rin ay nangyari sa iba.

* Ikaw rin ay kayang gawin yun. Maari kang magsisi sa iyong mga kasiyahan, ngunit hindi sa pagluha. Kaawaan ang ikaw na ngayo'y nagsasaya, dahil pagdating ng panahon ikaw ay luluha at malulungkot (Lukas 6:25) Walang kasamaan ang nagsimula sa pag-iyak, madalas ito ay sa pagtawa nagmumula. Ngunit hindi lahat ng luha ay Luha ng Ebanghelyo. Sa pagbuo ng piramida ng paraiso, hindi luha ng galit at kalungkutan ang makapagbubuo nito.

* Ang Luha ng Ebanghelyo ay dumadaloy mula sa mapagkumbaba, sa pagkalayo mula sa Paraiso, at mula sa mga bata at martir. Ang luhang ito ay iyong mga naghuhugas ng sakit para sa Pagmamahal mula sa langit.

* Ang 'hamog' ay nagmumula sa pagtatagpo ng init at lamig. Samakatuwid, ang luha ay kusang inilalabas ng tao kapag kanyang naramdaman ang pagmamahal ng Ama. (Awit 42.3)

* Sa kung sino mang hindi pa umiiyak ay hindi pa nakararamdam ng aruga. Ang bata ay mapapatahan kapag inaruga ng kanyang ina.

Ang mundong ito ay hindi tinawag na kalungkutan, ang Diyos mismo ay nakaramdam ng pagluha.

 * Ang iyong pag-iyak ay maaring sa harap ng bulag o bingi. Ngunit mas maayos kung gagawin ito sa harap ng iyong Taga-alaga. Sa kapayapaang nais mo, Siya ay patuloy na tutulong upang iyong mabuo ang ikalawang palapag.
 

ANG IKATLONG PALAPAG

Pinagpala ang mga mapagpakumba, sila ay magmamana ng mundo. Ang ikatlong palapag ng pyramid sa Paraisoay binubuo ng kababang-loob. Ang kababaang-loob ay bunga ng tunay na pagpapakumbaba at banal na paghihinagpis. Ang mga pangunahing tauhan sa banal na kasulatan bago isilang ang tagapagligtas ay sila Samuel, Juan na magbibinyag at ang mahal na birheng Maria. Silang lahat ay biniyayaan banal na pagtangis habang nanalangin na bunga ng tunay na kababaang-loob. Ang kababaang-loob ay maituturing na ikatlo lamang sa mga palapag sapagkat kailangan munang maitaguyod ang una at ikalawang palapag, pagpapakumbaba at banal na pagtangis o luha. Kapag tapos ibuhos ng ulap ang ulan ay nagkakaroon ng katahimikan; ganoon din sa buhay espiritwal, kapag tapos ng banal na pagtangis o luha ay nagkakaroon ng tunay na kabaang-loob. Noong unang panahon pa man sa lumang tipan ay tinatangi na ang kababaang-loob bilang tanda na ang isang tao sa sumasa Diyos. Si Moises ay kinilala bilang may pinakamababang-loob sa balat ng lupa (IV Aklat ni Moses 12:3). Ang kababaang loob ng ating mga ninuno na sila Hakob at Haring David ay nabibilang din sa mga hinirang ng Diyos na may kababaang-loob. Tunay nga na ang kababaang-loob ay kinakailangang sangkap upang mapagibayo ang ating kaluluwa hangang sa muling pagbabalik ng ating Panginoong Hesukristo. Ang ating Panginoon mismo ang nagsabi na matuto kayo sa akin sapagkat ako ay may mababang-kalooban. Kaya tayo na nagnanais na tunay na sumunod sa Kanya ay nangangailanang pagsumikapan sa abot ng ating kakayahan na maging mababang-loob; sapagkat ang kababaang-loob ng ating Panginoong Hesukristo ang siyang unang nasaksihan ng lahat ng mga nakapanayam Niya. Narito ang Kordero ng Diyos! Sigaw ni San Juan na magbibinyag ng kanyang makita ang ating Panginoon sa ilog ng Jordan. Dagliang tumalima ang mga ta okay San Juan na magbibiyag upang magpabautismo, ngunit ang ating Panginoon ay hindi nakigulo sa mga tao na dagliang pumunta kay San Juan, bagkus, sa Kanyang kababaang-loob, hinintay Niya ang oras na itinakda sa Kanya ni San Juan.

Ang tunay na kababaang-loob ay makikita sa ating paguugali na hindi piliin na unahin an gating sariling pangangailangan kundi ang pagpili na unahin ang pangangailangan ng iba; ito ay magmumula lamang sa tunay nating pagsunod sa banal na kalooban ng Diyos. Batid ng mga taong may tunay na kabaang-loob na ang taing Manlilikha mismo ang maglalagay sa atin sa ating dapat na kalagyan kung tayo ay handa nang tumalima sa Kanyang banal na kalooban na may tunay na kababang-loob. Hindi mahalaga sa taong nagnanais na gawin ang kalooban ng Diyos kung siya man ay nauuna o nahuhuli sa pananaw ng lipunan. Ang tunay na mahalaga at nakakapagpasaya sa kanya ay ang gawin ang banal na kalooban ng Diyos. Batid ng taong may tunay na kababaang-loob na ang mga taong nasa hulihan o minamaliit ng lipunan ay mas higit ang kasiyahan dahil ginawa niya ang kalooban ng Diyos kaysa sa taong nauuna sa lahat at tinitingala ng lipunan ngunit pang-sariling kalooban laman nag sinusunod. Ang tunay na kababaang-loob ay maihahalingtulad natin sa katagang: iwasang makasakit ng iba ngunit tiisin ang pananakit ng iba. Ating alalahanin an gating Panginoong Hesukristo sa harap ng Kanyang mga palalong mga taga-hatol. Habang kanilang inaalipusta, niyuyurakan, binabastos at sinasaktan ang ating Panginoong Hesukristo, Siya ay nanatiling mababa ang kalooban at maunawain tulad ng maamong tupa. Ang katahimikan at kapayapaan ng Kanyang kalooban ay katulad ng kapayapaan at katahimikan ng liwanag na nagbibigay gabay at tangalaw sa karagatan ng kadiliman at kasamaan. Lubang kahanga-hanga ang kapayapaan at katahimikan ng kalooban ng ating Panginoong Hesukristo kung saan ihinalingtulad ni San Pablo Apostol ang kanyang sarili at nagsabi na “Ako si Pablo ay nakikiusap sa inyo ng may maamo at mababang loob at katulad ng kay Kristo (II Korinto 10:1). Ang mga apostol ay kahalingtulad ng kanilang Tagapagturo sa Kanyang kababaang-loob. Isinugo ng ating Panginoon ang mga apostol gaya ng mga tupa sa lupain ng mga mababangis na hayop, mga mapagkumbaba sa mga mapagmataas, mapagparaya sa mga mapaghiganti. Katulad ng ina na nagtitiis para sa kanyang mga supling, pinapasan ang lahat ng mga bigat ng buhay makapagbigay buhay lamang sa kanyang mga anak. Kami ay maamo sa inyo, katulad ng pagkalinga ng ina sa kanyang anak (I Tesalonika 2:7). Ang ilang mga dayo ay napahanga sa mga alagad ng ating Panginoon sapagkat nanindigan sila sa lahat ng mga pagsubok at nagsabi sa kanilang sarili na kung hindi kami maninidigan at lalaban sa kasamaan ng aming kalooban, paano naming malalabanang ang kasamaan ng mundo?

An old man was pilfered by a neighbour who served him. Whenever he entered the old man’s room, he would pilfer something. The old man knew that and said nothing. When the death hour came, all the neighbours gathered around the old man’s bed. The old man took the hands of the pilfering servant and started kissing them saying: “I have to thank these hands for my entering the Kingdom of Heaven today.”

May isang matanda na may isang alipin na naglilingkod sa kanya. Ngunit ang alipin na ito ay hindi tapat sa kanyang matandang amo. Sa tuwing siya ay papasok sa silid ng kanyang matandang amo, kumukuha siya ng mga mamahaling bagay ng walang pagpapaalam sa matandang amo. Batid ito ng matandang amo ngunit siya ay nananalangin lamang at walang kibo sa lahat ng mga pagnanakaw ng alipin. Noong dumating na ang oras ng kamatayan ng matanda, tinawag niya ang kanyang alipin na hindi tapat sa kanya, binigay sa kanya ang lahat pang natitirang mga ari-arian ay nagsabi “ang mga kamay na ito ang nagging daan ko patungo sa kaharian ng Diyos” 

Ang mababang-loob ay magmamana ng mundo. Kung itatanong mo kung paano? Katulad ng pagmamana ng mga apostoles. Kaninong pangalan ang mas hihigit na nababangit sa buong mondo kaysa sa kanila na sunod sa kalooban ng Diyos nang may kababaang-loob? Hindi and mga hari o pinuno ng mga lungsod at bayan o ang kanilang mga pangalan o nagawa ang nakikilala sa lupa gayun din sa langit. Kaya tayo na tagasunod ni Kristo, hubugin natin ang ikatlong palapag ng may kababaang-loob. Ang kababaang-loob ay katulad ng mamahaling bata na sadyang kunikinang habang pinkikintab.

ANG IKAAPAT NA PALAPAG

 
* Pinagpala ang kung sino mang gutom at uhaw sa kabanalang nanggagaling sa Panginoon. Dito gawa ang ikaapat na palapag. Higit ang pangangailangan ng taong tahimik sa kabanalan upang mabuhayan ang kanyang natutulog na kaluluwa.

* Madaling pakainin ng makamundong kaalaman ang isang ligaw sa landas na tao. Kahit ano tatanggapin nito. Ngunit ang taong bumubuo ng paraiso ay ipinagpapatuloy ang mga susunod pang palapag. Ang kanyang pananaw ay tulad ng sa Panginoon, gayun di ang pag-iisip at pag-uugali. Ang hustisya ay kinapapalooban ng katotohanan at kaayusan -- katotohanan tungkol sa Tagapaglikha, sa tao, sa plano, at sa daan.

*Ang pagiging karapat-dapat ay may dalawang ibig sabihin: ang kaalaman ng katotohanan at ang batas ng tamang pag-uugali. Ang dapat na gawin lamang ng tao upang maabot ang Panginoon ay ang pagiging karapat-dapat. Masasabing ang tao ay uhaw sa Panginoon ay kapag sa simula hanggang dulo ay hindi niya iniwan ang kagustuhang mapalapit sa Diyos. Ang pagiging uhaw sa Panginoon ay uhaw din sa pagiging karapat-dapat. Sabi nga ng Panginoon, "Ako ang daan, Ako ang katotohanan".

*Ang mga taong ispirutwal ay nais ding mapalapit ang mundo at ang mga makamundo sa pagiging uhaw at gutom sa pagmamahal at presensya ng Panginoon. Marami sakanila ang iniwan ang lahat at piniling maging mag-isa upang maging diretso ang isip para sa Diyos. Sila ay uhaw sa kalangitan, at ang mundo'y uhaw sa kanila.

* Mas pinili ng tao ang uhaw nila para sa kalangitan. Ang ganitong sitwasyon ang tanging makakapagsapat ng kanilang pangangailangan. Sabi nga ng Panginoon, "Ang aking mga taga-sunod ay makakakain, ngunit ikaw ay magugutom. Sila ay makakainom, ngunit ikaw ay mauuhaw. Sila ay magsasaya, ngunit ikaw ay makakaranas ng kahihiyan". (Isaias 65:13)
 

ANG IKALIMANG PALAPAG

 
* Pinagpala ang mga maawain, pagkat sila'y pakikitaan ng habag. Sa kung sino mang nagnanais ng matataas na kayamanan, kanya rin kaya'y gugustuhin ang mababang kayamanan? Kung sino man nais ang walang hanggan na pagiging karapat-dapat para sa Diyos, kanya kayang mahahawakan muna ang maliliit na bagay? Kung sino mang nais ang imortal na pananamit, siya kaya'y iiyak para lang magkadamit na gawa sa damo?

* Natural para sa tao ang magkapangarap na inihahanda para sa mahabang pagtahak sa buhay. Ang pagsuko ng mga bagay na maaring makahadlang sakanyang paglalakbay ay ang pinakamagaang bagay tungkol sa sakripisyo. Ngunit mahalaga parin naman iyon. Mabigat na sakripisyo lamang talaga ang pag-alaga sa kapwa upang hindi tuluyang maligaw ng landas.

* Ang pinakamabigat na sakripisyo ay ang ialay mo ang iyong buhay para sa mga tao sa iyong paligid. Ito ay hindi na maitatawag na regalo para sa nangangailangan, ngunit ito na ang pag-ibig.

* Ang limos ay maaring manggaling sa kahabagan. Ang kahabagan ay ang pusong maalaga. Kung ika'y magiging maalaga sa taong nangangailangan sa ngalan ng ating mahabaging Diyos, ito ay dalisay at may nag-aabang na regalo para sayo mula sa Kalangitan.

Basahin ang dalawang magandang kwento ng mga taong tinawag na mahabagin: San Juan ang mahabagin, at San Philaret ng Moscow

* Ang taong mas pinahahalagahan ang makamundong kayamanan higit sa kayamanan sa langit ay hindi masasabing kahabag-habag. Si San Gregorio ay hindi takot na mawalan ng yaman nang tahakin niya ang mundo ng pagpapari. Ayon sa Kasulatan, ang mahabagin ay gumagawa ng mabuti sa kanyang kaluluwa (Kawikaan 11,17). Kapag ika'y gumawa ng mabuti sa iba, ikaw ay babalikan ng mas marami pang pagpapala. Nakikita ng Diyos ang lahat ng ating ginagawa. Sabi nga ni Madre Sarah, magbigay ng limos sa mga tao upang kahit papaano sila'y matuwa, pati nadin ang Diyos. Kung wala man tayong ibibigay sa mahirap, atin nalang silang ipanalangin. Nais ng Diyos na tayo ay maging maawain sa isa't isa kaysa sa ang alayan Siya ng mga kaloob. Ganoon kamahal ng Diyos ang tao. Ang tingin natin sa ating kapwa ay katulad ng tingin natin sa ating Panginoon.

 * Ang utos ng Diyos sa tao tungkol sa kahabagan ay malinaw, gayun din ang parusa sa mga hindi mahabag. Ayon nga kay Apostol Jacob, ang hustisyang walang awa ay mararanasan ng hindi mahabag. (Jacob 2 : 13). At ang mahabag ay mapapatawad sa langit at aalagaan ng mga anghel. Kung kaya't ang ikalimang palapag ay gawa sa awa - awa sa sarili, sa kapwa, sa hayop, at sa iba pang likha ng Diyos.
 

ANG IKAANIM NA PALAPAG

 
* Pinagpala ang kung sino mang may pusong dalisay sapagkat marapat nilang makita ang Panginoon.

Ang kadalisayan ng puso ay base sa pagkamahabagin, dito gawa ang ikaanim na palapag. Si Abraham ay sobrang mahabagin at ito ang tumulong sa kanya upang magkaroon ng dalisay na puso upang mas mapalapit sa Diyos. Ngunit bakit nga ba hindi natin pinag-uusapan ang kadalisayan ng kaluluwa, kundi ang kadalisayan ng puso? Ito ay dahil puso ang sentro ng kaluluwa. Ang pag-iisip, kahilingan, at kagustuhan ay nagmumula sa puso. Kung kaya't ika'y pinangaralang bantayan ang iyong puso. (Proverbs 4,23)

* Kung ang iyong puso ay malusog pa sa Salita ng Diyos, makakakuha dito ng magandang bunga. Ngunit, kung ito'y may uod na, wala itong saysay at pakinabang. Ang mga uod ay hindi nagbibigay ng magandang bunga sa puno, gayun din ang kasalanan sa tao. Kapag ang uod ay iyong ibinilad sa araw, ito ay mamamatay; ang kasalanan ay mabubunyag ngunit mawawala kung ito'y iyong isusuko.

Katulad ni David na sa kanyang pag-iingat na hindi baliin ang Utos ng Diyos, kinausap niya ang Panginoon upang malaman ang nais ng Ama sakanya.

* Ang dalisay na puso ang salamin kung saan nais makita ng Diyos ang Kanyang sariling repleksyon. Isinulat ng Diyos ang Kanyang magaling at karespe-respetong Ngalan sa misteryosong paraan, ngunit hindi Niya ito ginawa dahil direkta Niyang pinaalam na Siya ang Diyos. Ang Diyos ay nakikita sa dalisay na puso ng tao. Lubhang kasiyahan lamang ang mararamdaman kung muling babalikan ang sabsaban na kung saan ipinanganak ang ating Hesus. Ang tao'y kayang itaas ang kanyang sarili at magpakumbaba. Ngunit ang Panginoon ay hindi gagawing itaas ang kanyang sarili, at pipiliin pang magpakumbaba. Ang mga tao'y marapat lang na isuko ang kanilang mga kasalanan, at Diyos na ang bahala.

* Ang puso ay nilinis ng pananampalataya, pag-asa, pag-ibig, alaala ng kamatayan at at hustisya ng Panginoon, pagkahumaling sa mga likha ng Diyos, pagkwestyon sa kalooban ng Diyos, pagtitimpi, kahinahunan, pagkamahabagin at iba pa. Ngunit kahit na ang pusong dalisay ay kinapapalooban ng mga ito, narito parin ang mundo na puno ng kasalanan ngunit ang makapagpapalinis dito muli ay ang sariwang hangin na nagmumula sa Panginoon. Ayon sa mga pari, mapag-uusapan lamang ang kadalisayan ng puso kung ang mga kasalanan ay iiwan at kakalimutan.

Ang ikaanim na palapag ay gawa sa kristal na kung saan ng ilaw ng Diyos ay lumiliwanag at walang kahit ano mang hadlang sa pagsikat nito.

* O mga Kristiyano, kapag kayo'y nakapunta ng Kaharian, ang mga anghel at anak ng Diyos ay magsasaya sa iyong pagdating. Sa iyong pagdating ay kasabay mo ang mga anghel na sumalubong sa ating Panginoon.

ANG IKAPITONG PALAPAG

 
* Pinagpala ang mga tagapagbigay ng kapayapaan: kaya't sila ay tinatawag na Anak ng Diyos. Ang kadalisayan ng puso ang pundasyon ng kapayapaan. Ang pusong puno ng maling pag-iisip at kahilingang mapanlinlang ay mahirap magiging mapayapa. Ito ang sanhi ng mga bagyo sa buhay ng tao.

* Ang maputik na tubig ay malilinis kapag ito'y maabot ang matataas na lugar. Gayun din ang puso ng tao na kapag itinaas sa Diyos ay malilinis at mababago. Katahimikan ng Diyos ang makakamit ng taong may kapayapaan.

* Ang kapayapaan at kadalisayan ng puso ay espiritwal na kasiyahan. Walang makakakuha ng kasiyahang ito kapag ang puso ay may kapayapaan. Ang kung sino mang may kapayapaan ay nasa buhay niya ang Panginoon na tinawag na ating Hari ng Kapayapaan. (Epeso 2:14, Isaias 9:6, Juan 14 : 27) Ang sino mang magsabing nasakanya ang Diyos ay may kapayapaan sa puso.

* Hindi tayo makakatanggap ng kapayapaan ng wala si Kristo. Ang pakikipag-ayos sa Diyos ay hindi nangangahulugang ikaw ay makikipagkasundo sa iyong kagustuhan para sa sarili at ang kagustuhan ng Diyos para sa'yo. Ang pakikipag-ayos na ito ay nangangahulugan ng pagsuko ng iyong sarili sa kagustuhan sa'yo ng Diyos at ang pakikisama sa ibang tao na may kaligayahan.

* Ang sino mang tumanggap ng hangin na mula kay Kristo, kanya itong ibubuga sa mga tao na nangangailangan ng Kanyang salita. Ang bumubuo ng kapayapaan sa paligid nangangahuluhan ng pagbibigay at pagtanggap. Ang pagtanggap ng kapayapaan mula kay Kristo at pagbibigay sa mga tao, mabubuti man o masama. Sa oras na maghari ang kapayapaan sa mga tao, ang paligid ay gayun din mararanasan ito.

* Ang tagapagpanatili ng kapayapaan ay anak ng Diyos at kanyang ginagawa ang gawa ng Diyos. Kanyang ipinoproklama ang pakikipagkapwa at pagmamahalan sa ngalan ng Diyos. Siya ang tagapagsalita ng magiting at magandang relasyon ng pamilya, pakikipagkapwa, at pagkatao. Sa panalangin nito, kanyang sinabi na patawarin ng Ama ang mga tao dahil hindi nila alam ang kanilang ginagawa at dahil anak Niya ng mga ito. Ang Ama ay nakikinig sa kanyang anak, sa tagapagpanatili ng kapayapaan, at salamat sa Kanya dahil ipinadala Niya ang Kanyang Banal na Espiritu na nagbibigay kapayapaan sa ating kaluluwa.

 * Iyon ang daan upang mabuo ang ikapitong palapag na gawa sa purong ginto at may mapayapang kinang nito.
 

ANG IKAWALONG PALAPAG

 
* Pinagpala ang mga natuligsa dahil sa kabutihan sapagkat kanila ang kaharian ng Diyos.

Ang kung sino mang bumuo ng gusaling matataas mula sa makamundong materyales ay magdudulot ng inggit sa iba. Ayaw ng demonyo ang kung sino mang makipag-ayos sa kanilang mga kaaway.

* Masaya ang demonyo sa tuwing ang pakikipagkapwa ay nasisira. Nais niya hindi makaranas ng kaligyahan ang mga tao at malimutan ang kanilang Tagapaglikha. Kanilang ginagawa ang kasamaan sa mga taong matapat sa hustisya sa pamamagitan ng mga matitigas ang ulo. Ang katapatan sa mga mahihirap ay mas nais ng Diyos kaysa sa kalinlangan ng mga mayayaman. Ang mga ispiritwal na tao ay mas inaatake ng mga demonyo, tulad ng mga nagnanakaw sa mga inosente.

* Ang mga tao ay nais na matuligsa dahil si Hesukristo ay itinuligsa din. Para sa kanila, ang matuligsa ay isang matibay na pundasyon upang ang palapag ay mabuo. Itong ikawalong palapag ay matibay na nabuo tulad sa mga naunang palapag. Kapag ang kaligayahan ay pinag-usapan, ang hustisyang nakamit mula sa pagtutuligsa ng iba ang magiging paksa dahil narin sa kabutihang ginawa sa kanila ng Panginoon.
  

ANG IKA-SIYAM NA PALAPAG

 
* Pinagpala ka kung ang mga tao ay insultuhin ka at magsabi ng hindi magagandang salita sayo nang dahil sa Akin.

* Ang pagtuligsa ay binanggit ngayon at sa nakaraan. Ito ay para sa hustisya noon at para naman Kay Kristo ngayon.

* Noon, ang hustisya ang bumubuo ng buong sistema ng katotohanan ng Kristiyano at pag-uugali. Ngayon ay si Kristo ang nagpapakilala ng hustisyang buhay ng Panginoon. Itong dalawang palapag ay parehong gawa sa paghihirap para sa hustisya at para Kay Kristo. At dahil ipinaulit-ulit ng Panginoon ang Kanyang papuri, ang paghihirap ay katulong sa pagbuo ng iyong espiritwal na pagkatao.

* Pang-iinsulto, pagtuligsa, kasinungalingan at mga salitang laban sa Diyos ay ang mga paraan ng kaaway upang ang mananampalataya ay malapit sa kasalanan. Sa ganung presyon ay masusubukan ang katatagan ng tao sa kanyang pananampalataya at mabuti na muling malinis ang kanyang pagkatao.

* Ang pagtanggap ng tao sa kamartiran para sa pangalan ng Panginoon ay kanyang susi upang matapos ang pagbuo ng ikasiyam na palapag. Ang mga taong ito ay nais lamang na ialay ang kanilang buhay sa Panginoon. Ang pag-alab ng kagustuhang ito ay nagpatuloy na nagbigay katatagan sa mga apostol na katulad ni Andres at Antonio na handang ibuwis ang kanilang buhay para sa Panginoon.

* Pansinin ang mga martir na habang pumupunta sa lugar kung saan sila'y papatayin ay nagpupuri at sumasamba padin sa Diyos. Kanilang binubuo din ang paraiso na kung minsa'y hindi natatapos ng iba. Dahil sa kanilang sakripisyo ay makakamit nila ang kanilang gantimpala mula sa Panginoon. Si Adrian na isang martir ay maligayang suinagot na nagbukas lamang ang kanyang isipan nang makita niya ang pagsasakripisyo nh mga Kristiyano.

* Ang buhay ng tao ay maraming kamartiran. Hanggang sa ngayong panahon ay makikita parin ang pagsakripisyo ng mananampalataya sa kanyang buhay. Ngunit ang pagpapahirap ay patuloy pading nararanasan ngayon kahit na walang mga opisyal. Ako'y may kapit-bahay na binubugbog ng kanyang asawa, kanya itong iniwan para sa Diyos. Ang isang estudyante ay kinutsa ng kanyang kaklase nang sabihin niyang mahal niya ang Panginoon. Sa ganitong dahilan, tunay na magiging matibay ang kanilang ikasiyam na palapag na binubuo ng rubi na bato.

ANG TORE NG KALIGAYAHAN

* Sa palapag na ito ay nagtatapos ang paraiso. Sa ibabaw ng ikasiyam na palapag ay may ilaw na naaaninagan ang buong piramida na binubuo ng kahinahunan. Hindi ang mga tao ang nagsubok na bumuo ng piramidang iyon kundi dahil ito sa pagmamahal ng ating Panginoon. Dahil sa nagbibigay kasiyahan ang tore na iyon, tinatawag itong Tore ng Kaligayahan. Maging maligaya dahil sa langit ika'y makakatanggap ng gantimpala. Ito ay para sa Anak at hindi sa manggagawa, galing sa Ama hindi sa kung sino lamang, at hindi dahil sa trabaho kundi mula sa pagmamahal.

* Ang Tore ng Kaligayahan ay nagmula sa langit at hindi sa mundo at ito ay gawa ng ating Tagapaglikha.

* Ang Tore ng Kaligayahan ay may liwanag na hindi nakikita. Ikukumpara ito sa dyamante na naaninagan ang buong gusali na nagiging dahilan upang ito'y habang buhay na manatili.

* Marapat na hindi magkamali ng pagkakaintindi tungkol sa toreng ito sapagkat hindi ito karaniwang gusali. Hindi ito materyal kundi espirituwal, ngunit katulad parin ng ibang gusali na totoo. Kapag ito'y tiningnan mula sa taas, ito ay parang tao. Ngunit hindi ito pangkaraniwan sapagkat ito marapat ay maging itsura ng Diyos sapagkat walang makakapasok ng Kalangitan na hindi katulad ng Panginoon. Hindi rin ito maaring mabuo ng naghahari ang sariling kagustuhan ng tao para sa kanyang sarili. Dahil pag dumating na ang araw na makasama natin ang Panginoon, ating makikita kung ang ating mga ginawa upang mapatibay ang pundasyon nito.

* Ang kung sino mang bumuo dito ng pundasyon gamit ang ginto, pilak, mamahaling bato, o kahoy, ang kanyang gawa ay mailalahad dahil ang Takdang Araw ay bibigyan itong liwanag. Ito ay mailalahad ng may liyab, at ang liyab na ito ay magsusubok sa gawa ng bawat tao. Kung ang kanyang binuo ay tatagal, kanyang matatanggap ang kanyang gantimpala. (! Korinto 3, 12-14). Papuri at luwalhati ay para sa Diyos habang buhay. Amen!

ruРусский
azАзербайджанский
sqАлбанский
enАнглийский
arАрабский
hyАрмянский
afАфрикаанс
bgБолгарский
cyВаллийский
huВенгерский
viВьетнамский
daДатский
heИврит
idИндонезийский
esИспанский
isИсландский
gaИрландский
itИтальянский
kkКазахский
kiКикуйю
zhКитайский
koКорейский
kuКурдский
kyКыргызский
lvЛатышский
ltЛитовский
mkМакедонский
msМалайский
mtМальтийский
mnМонгольский
deНемецкий
nlНидерландский
noНорвежский
plПольский
ptПортугальский
roРумынский
cebСебуано
srСербский
skСловацкий
swСуахили
tl
tgТаджикский
thТайский
tyvТувинский
trТурецкий
urУрду
uzУзбекский
faФарси
fiФинский
frФранцузский
hiХинди
csЧешский
svШведский
etЭстонский
jaЯпонский



© Russian Orthodox Mission Society of st. Serapion Kozheozersky
write us